Biyernes, Agosto 2, 2013

"Siit"

(TINIK)

Lahat ng tao may Siit o Tinik sa buhay. Malalang sakit, kahirapan, utang, pag ibig at minsan nga problema pa ng iba problema mo din. Minsan dahil sa si Siit na ito, nawawalan tayo ng pag-asa sa buhay, agad sumusuko, nagrereklamo, at minsan nkakagawa pa ng hindi magandang bagay. Pati Diyos sinisisi natin bakit natin dinaranas ito.

Ako, dumating din ang oras na tinanong ko ang taas bakit nangyayari sakin ito. Naisip ko at pakiramadam ko nag iisa lang ako sa buhay, walang kakampi na pwedeng tumulong. Madami din ako Siit sa buhay. Pero sa isang pagkakataon pinakita sakin ng Diyos na sa Siit  na pasan ko, makikita ko din ang sagot para malagpasan ito. Tiis lang  ng konti, sipag at dasal, malalagpasan natin lahat ng Siit na yan.

May isa akong Professor, magaling siya, bilib ako sa pananaw niya sa buhay. Sa di inaasang pagkakataon dumating ang pinakamalaking Siit ng kanyang buhay. Nagkaroon siya ng Cancer, stage 4 na cancer. Alam natin na bihira lang ang nabubuhay sa ganitong stage ng cancer. Akala ko di ko na siya makikita at maririnig ang mga turo niya. Sa di inaasang lecture namin, dumating siya at nagturo. Habang nagtuturo siningit niya sa kanyang lecture "Class akala ko mamatay na ako,(nangingilid ang mga luha niya), lumaban ako class para sa pamilya ko para sa lahat ng mahal ko". "Habang ginagamot ako isa lang nasa isip ko, GAGALING AKO!, GAGALING AKO!. TIIS lang at tiwala sa Diyos". Gumaling siya, nakita niya ang sagot sa kanyang SIIT, kaya nagpasan niya. Ito pa ang iniwan niyang kasabihan "HABANG MAY BUHAY, MAY PROBLEMA". Totoo diba mayaman o mahirap, bungal o may ngipin, lalaki, babae, bakla, tomboy at mismo ako, lahat tayo maraming SIIT na dinadala. Hindi nawawala ang problema habang tayo ay nabubuhay. Pero lahat yan kaya natin.

Dyan nagsimulang lumakas ang loob ko, naniniwala ako na angel ang prof ko na iyon. Dahail sa kanya naging matatag ako. Hindi lang tayo ang may SIIT, marami dyan mas malala pa ang dinadala. Kaya walang dahilan para bumigay, para sumuko, at walang dahilan para sisihin ang Diyos.

TIIS lang ang sagot sa ating mga SIIT.



-Fraklin O. Ibay
08/03/2013